Nasa ika-55 na pwesto kasi ang Manila sa 60 na tinaguriang safest cities in the world base sa survey na isinagawa ng research company na Economist Intelligence Unit.
Ayon kay Coronel, ang pag-aaral ay sinusukat base sa mga kilalang megacities sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Dahil dito, maaring hindi lang ang lokal na pamahalaan ng Maynila ang tinutukoy dito, kundi ang buong Metro Manila.
Aminado naman si Coronel na ang dahilan kung bakit nasa ika-55 na ranggo ang Manila ay dahil sa kakulangan ng buong Pilipinas pagdating sa digital at infrastructure security, na dalawa sa mga basehan ng pagaaral.
Samantala, ang mga siyudad naman na pasok sa top 10 ay ang Tokyo, Singapore, Osaka, Toronto, Melbourne, Amsterdam, Sydney, Stockholm, Hong Kong at Zurich.
Bukod naman sa Manila, nasa bottom 10 din ang Cairo, Tehran, Quiro, Caracas, Ho Chi Minh City, Dhaka, Yangon at Karachi.