Dating action star Baldo Marro, pumanaw na

 

FB/Bong Revilla Jr.

Pumanaw na ang dating action star na si Baldo Marro sa edad na 69.

Si Baldo Marro o Teodoro Galan Baldomaro ay naging kilala sa ilang mga pelikula noong dekada otsenta.

Sa isang Facebook post, kinumpirma nina Bacoor City Mayor Lani Mercado at dating Sen. Bong Revilla Jr.  ang pagpanaw ng artista at nagpahayag rin ng pakikiramay sa mga naulila nito.

Taong 1988 nang manalo si Baldo Marro bilang Best Actor sa Metro Manila Film Festival sa kanyang pelikulang ‘Patrolman’.

Nakasama rin nito sa ilang pelikula ang ilang mga beteranong action star kabilang na sina dating Senador Bong Revilla, Ramon Revilla Sr., Rudy Fernandez at Lito Lapid at naging fight director ng maraming action films.

Sa inisyal na impormasyon, nadala sa ospital kamakailan ang artista bunga ng komplikasyon sa sakit na dengue.

Ilalagak ang mga labi ni Baldo Marro sa Samson Funeral Homes sa Bacoor, Cavite.

Read more...