(UPDATE) Lian, Batangas niyanig ng magnitude 5.4 na lindol

Mula sa Phivolcs

(UPDATE) Mula sa magnitude 5.5, ibinaba sa magnitude 5.4 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology  (PhiVolcs) ang lindol na naganap sa lalawigan ng Batangas ganap na 10:21 kagabi.

Ayon sa Earthquake Bulletin na inilabas ng PHIVOLCS, naitala ang episentro siyam na kilometro mula timog-kanluran ng bayan ng Lian.

Tectonic ang sanhi ng pagyanig at may lalim na aabot sa 197 kilometro.

Intensity II ang naitala sa Calatagan, Batangas, Malabon, Navotas, Olongapo City  at Bacoor, Cavite.

Intensity I naman sa Tagaytay City.

Naitala naman ang Instrumental Intensity I sa Tagaytay City at Calumpit, Bulacan.

Sa social media, ilang mga netizens ang nagsabing kanilang naramdaman ang lindol sa ilang lugar sa Maynila, Cavite at Olongapo, Zambales at Laguna.

Wala pa namang naitatalang pinsala ngunit inaasahan ang aftershocks resulta ng lindol ayon sa PhiVolcs.

Read more...