Sa isang Tweet, sinabi ni Trump na papayagan niya ang pagbubukas ng mga dokumentong matagal nang ikinukonsiderang classified.
Ayon kay Judge John Tunheim, malaki ang posibilidad na wala namang malaking rebelasyong ilalabas ang mga naturang JFK files.
Ngunit ayon sa sa mga JFK scholars at sa direktor ng University of Virginia Center for Politics at may-akda ng libro tungkol kay Kennedy na si Larry Sabato, ang mga dokumento ay pwedeng magbigay-linaw tungkol byahe ni Lee Harvey Oswald sa Mexico City.
Si Oswald ang tinuturong pumatay sa dating pangulo ng Estados Unidos.
Maraming conspiracy theories tungkol sa pagkamatay ni JFK, kabilang na dito ang teoryang pinasimulan umano ito ng Central Intelligence Agency o CIA.