Miyembro ng FIBA Evaluation Commssion, nakipagpulong na sa pangulo

Nakipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong miyembro ng International Basketball Federation (FIBA) Evaluation Commission.

Ito ay para talakayin sa pangulo ang posibleng pagho-host ng Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, suportado ng pangulo ang naturang hakbang dahil sa mapapalakas pa nito ang basketball maging ang turismo sa bansa.

Bukod sa Pilipinas, target din ng mga bansang Japan at Indonesia na maging host ng World Cup.

Sa buwan ng Disyembre iaanunsyo ng FIBA Central Board kung anong bansa ang mapipiling magho-host ng naturang torneo.

Read more...