Lalaki, arestado sa pagdadala ng baril sa hotel na tinutuluyan ng mga delegado ng ASEAN Summit sa Pasay City

Arestado ang isang lalaki matapos makumpiskahan ng baril sa isang hotel kung saan nanatili ang mga delagado ng ASEAN Summit sa Pasay City.

Nakilala ang suspek na si Jeffrey Datuin, dalawamput apat na taong gulang na nagpakilala bilang isang freelance journalist.

Nakumpiska kay Datuin ang isang caliber twenty two handgun at walong mga bala.

Ayon kay PO1 Adrian Jack Ancheta ng Pasay City Police, napansin ng xray operator na si Marivic Vargas na may lamang baril ang bag ni Datuin.

Inamin naman ni Datuin na sa kanya ang baril at nakalimutang iwan ito sa bahay.

Nasa kostudiya na ngayon ng Pasay City Police si Datuin at sumasailalim sa imbestigasyon.

Read more...