Pangulong Duterte, hinimok na gawing holiday ang October 26 sa Cebu

INQUIRER.net Photo

Nais ng mga Cebuano na ideklarang holiday ng Palasyo ang October 26 sa lalawigan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Dino na ipinaalam niya na sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang suhestyon.

Ito ay upang bigyang daan ang mga Cebuano na bigyang pagpupugay ang yumaong si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal.

Ayon kay Dino, ang deklarasyon na gawing holiday ang October 26 ay mahalaga para sa pastol na nanungkulan sa buong Cebu sa loob ng 29 na taon.

Pinag-aaralan na anya ng tanggapan ni Medialdea ang request at umaasa sila nang positibong tugon.

Sinabi rin ni Dino na pupunta si Pangulong Duterte sa burol ng Cardinal ngunit hindi pa tiyak kung kailan.

Ihihimlay ang labi ni Vidal sa isang mausoleum sa likod ng sacristy ng Cathedral sa October 26, sa ganap na ika-9 ng umaga.

Read more...