Upgrade sa 8 paliparan sa bansa, minamadali na ng DOTr

INQUIRER.net Photo

Minamadali na ng pamahalaan ang paga-upgrade sa walong airports sa bansa upang madecongest ang Ninoy Aquino International Aiport.

Ayon kay Makati City Rep. Luis Campos Jr., isinasailalim ngayon sa rehabilitasyon at expansion ang mga paliparan sa Naga City, Tuguegarao, Cauayan, Dumaguete, Cotabato, Dipolog, Pagadian at Ozamiz base sa ulat ng Department of Transportation (DOTr) sa mababang kapulungan.

Kabilang sa pagkukumpuning isinasagawa ay ang pagpapalapad sa runway at upgrade sa facilities ng terminal para sa mga night-flights.

Ayon sa mambabatas, ang dahilan ng congestion sa NAIA ay ang kawalan ng kakayahan ng provincial airports na tumanggap ng flights tuwing gabi.

Dahil din sa sitwasyong ito, kailangang isagawa ng provincial airports ang lahat ng flights pa-Maynila tuwing daytime.

Sa kasalukuyan, nasa 19 lamang sa 42 na paliparan sa bansa ang may kakayahang tumanggap at magpalipad ng night flights.

Naglaan anya ng 10.1 bilyong piso ang pamahalaan para sa upgrade sa imprastraktura ng 40 paliparan sa 2018 kung saan inilaan ang pinakamalaking pondo para sa Clark International airport na may 2.74 bilyong piso.

Dagdag pa ni Campos, makatatanggap din ng tig 20 milyong piso ang 13 pang maliliit na airports sa bansa.

Read more...