Inanunsyo ng Western Visayas Police Regional Office- 6 na pansamantalang puputulin ang serbisyo ng mobile phone networks mamayang tanghali.
Ito ay kaugnay ng seguridad na ipatutupad sa pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatapos ng 38th MassKara Festival.
Inaasahang magbibigay ng talumpati ang Pangulo sa Bacolod Public plaza at panonoorin ang makukulay na performances ng mga MassKara dancers mula sa iba’t ibang mga baranggay.
Nananawagan ang Task Force MassKara nang pag-intindi at pakikiisa ng publiko at upang maging mapayapa ang pagdiriwang.
Puputulin ang presentasyon ng performers sakaling dumating na ang pangulo.
Inaasahang darating si Duterte sa pagitan ng alas-3 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Matapos ang talumpati ng pangulo ay itutuloy ang mga pagtatanghal.
Idineploy naman ang aabot sa 4,775 na security personnel kabilang ang mula sa hanay ng PNP at AFP upang tiyakin ang seguridad sa festival.