Ayon kay Senior Police Officer 1 Marlon Rivera, desk officer ng Quezon City Police Station 7, dakong 11:15 ng umaga nang Biyernes nang sumakay sa elevator ang dalawa sa Gateway Mall.
Pagkarating sa ika-5 palapag, itinigil ng dalawa ang elevator nang ilang minuto.
Namataan ng mga security personnel ng mall sa pamamagitan ng CCTV na nagsasagawa ng oral sex ang dalawa.
Agad naman itong ipinagbigay-alam ng security guard na si Agnes Ortiz sa security team ng mall at sa pulisya.
Parehong hinuli ang 54 taong gulang at 27-anyos na mga suspek.
Nakulong ang dalawa at nahaharap sa kasong grave scandal na paglabag sa Article 200 ng Revised Penal Code.