AFP mananatiling naka-alerto laban sa terorismo ayon sa Malacañang

Inquirer file photo

Hindi pakakampante ang Malacañang laban sa terorismo bagaman unti-unti nang umaalis ang tropa ng militar sa Marawi City.

Ipinahayag ni Presidential Spokeperson Ernesto Abella na bagaman marami na ang nalagas sa pwersa ng Maute group ay hindi pa rito natatapos ang laban sa mga terorista.

Ayon kay Abella, sa gitna ng pagsisimula ng rehabilitasyon ng Marawi City ay patuloy nitong babantayan ang mga posibleng banta ng ISIS-inspired terrorist groups.

Tiniyak ng Malacañang ang seguridad ng mga residente ng lungsod sa tulong ng Armed Forces of the Philippines.

Kaninang umaga ay sinabi ni Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Carlito Galvez na matatapos na bukas ang bakbakan sa Marawi City.

Simula kahapon ay nagsibalikan na sa kani-kanilang mga mother units ang mga sundalo na ipinadala sa lungsod para bawiin ang Marawi City mula sa mga terorista.

Read more...