Paliwanag ng pangulo, walang oras si Tugade para gumawa ng katiwalian dahil maging ang sariling pera nito aniya ay hindi niya kayang bilangin.
Ani pa Duterte, si Tugade ang pinakamatalino sa kaniyang mga kaklase noon sa law school.
Matatandaang paulit-ulit na sinabi ni Duterte na makarinig lang siya ng bulung-bulungan tungkol sa umano’y katiwalian, hindi siya mangingimi na sibakin ang opisyal o kawani ng gobyernong masasangkot dito.
Ang pinakahuling sinibak ng presidente dahil sa umano’y katiwalian ay si Budget Undersecretary Gertrudo de Leon na kinumpirma mismo ni Sec. Benjamin Diokno.