Base sa pinakahuling update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 870 kilometers East ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 145 kilometers per hour at pagbugso na 180 kilometers per hour.
Tinatayang patuloy ang pagkilos nito sa direksyong North Northeast sa bilis na 17 kilometers per hour.
Inaasahang makakalabas na ang bagyong “Paolo” sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas, Linggo ng umaga.
Gayunman, makararanas pa rin ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang nasa loob ng 1,600 kilometer diameter ng bagyo.
Samantala, ang binabantayan namang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa bahagi ng Mindoro ay nalusaw na.