Mahigit 200 pamilya sa Tawi-Tawi, inilikas dahil sa bagyong “Paolo”

Inilikas ang mahigit 200 pamilya sa lalawigan ng Tawi-Tawi dahil sa pananalasa ng bagyong “Paolo”.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, inilikas ang mga pamilya dahil epekto ng storm surge sa tatlong coastal barangays sa bayan ng Bangao.

Kabilang sa mga inilikas ang 63 pamilya mula sa Barangay Tubig Tanah, 71 pamilya mula sa Barangay Lamion, at 47 pamilya mula sa Barangay Simandagit (Kasulutan).

Ang mga naturang pamilya ay pansamantalang tumutuloy sa evacuation centers sa Brgy. Tubig Tanah Covered Court at Brgy. Pagasa Covered Court.

Inihahanda na rin ng lokal na pamahalaan ang mga food packs na ipamamahagi sa mga evacuees.

Read more...