Mahigit 20, sugatan sa karambola ng 9 na sasakyan sa Tandang Sora, Quezon City

Siyam na sasakyan ang nagkarambola sa bahagi ng Commonwealth, Tandang Sora sa Quezon City, matapos na mawalan ng preno ang isang pampasaherong bus.

Lumalabas sa imbestigasyon, binabagtas ng Fermina Express na may plate number ABD 7702 ang Commowealth Avenue papunta ng Fairview nang bigla nitong salpukin ang Renan Transit na may plakang UVL 305 sa likurang bahagi habang kasalukuyan itong nagsasakay at nagbaba ng pasahero.

Dahil naka-stop ang traffic light sa kanto ng Tandang Sora at Commonwealth Avenue, nadamay din sa banggaan ang dalawang pampasaherong jeepney, 5 private vehicles at isang motorsiklo.

Umabot naman sa 23 ang nasugatan sa nasabing aksidente, ang 17 katao ay dinala sa East Avenue Medical Center, 5 sa Quezon City General Hospital, at 1 sa Amang Rodriguez Hospital sa Marikina.

Dahil sa aksidente nagkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko, na tumagal ng ilang oras bago naalis ang mga sasakyang napabilang sa aksidente.

Inaalam pa rin ng traffic sector ng QCPD ang dahil kung bakit sinalpok ng Fermina ang mga nakahintong sasakyan, pero sa inisyal na imbestigasyon nawalan umano ng preno ang bus.

Read more...