Warehouse na nagtatago ng mga sigarilyong walang tax stamps, sinalakay sa Nueva Ecija

Nasabat sa pinagsanib na operasyon ng Bureau of Internal Revenue o BIR at National Bureau of Investigation sa Cabanatuan, Nueva Ecija ang 480 master cases ng sigarilyo na walang kaukulang tax stamps.

Isinara ang Collete’s PX Store at warehouse nito sa ikinasang raid kung saan narecover ang iba’t ibang brand ng mga imported na sigarilyo na walang tax stamps mula sa BIR.

Sa ilalim ng Section 172 ng Tax Code, maaring kumpiskahin ng BIR ang mga produktong hindi bayad ang kaukulang excise tax.

Inaalam pa naman ng BIR ang kabuuang halaga kung magkano ang mga nasabat na iligal na sigarilyo.

Matatandaang naharap rin sa patung-patong na kaso ang kinaharap ng local cigarette maker na Mighty Corporation dahil sa umano’y paggamit ng mga pekeng tax stamps.

Read more...