DNA sample ng napatay na lider ng mga terorista sa Marawi, dinala na sa US

Naipadala na sa Federal Bureau of Investigation o FBI ang nakuhang DNA samples mula sa mga labi ng mga napatay na teroristang lider na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, nakuha na nila ang DNA samples bago pa man mailibing sina Hapilon at Maute alinsunod sa tradisyon ng mga Muslim.

Agad umano itong ipinadala sa FBI sa Amerika, para makumpirma ang identity ng mga napatay na terorista.

Ayon kay Arevalo, hindi naman sila binigyan ng ‘time frame’ ng fbi kung kailan maipapadala ang resulta ng pagsusuri.

Ang DNA comparison ay isa sa mga paraan para makuha ng informant ang pabuya kapalit ng pagtuturo sa pinagtataguan nina Omar Maute at Isnilon Hapilon.

Read more...