Pinagbawalan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mga cabinet officials maging ang iba pang tauhan ng gobyerno sa pagsakay ng business class na eroplano lalo na kung official functions ang patutunguhan ng mga ito.
Paliwanag ng pangulo, hindi makatarungan na lustayin ang pera ng taong bayan.
Giit ng pangulo, dapat economy class lamang ang bibilhing ticket ng mga tauhan ng gobyerno lalo na kung ang biyahe ay patungo ng Davao.
Sinabi pa ng pangulo na bubusiiin niya niya ang ticket at aalamin sa kani-kanilang mga secretary kung economy o business class ang ticket na binili para sa biyahe ng isang gabinete.
Gayunman, sinabi ng pangulo na kung gusto talaga ng mga tauhan ng gobyerno na sumakay ng business class, dapat gamitin nila ang kanilang sariling pera at hindi ang pondo ng gobyerno.
Una rito, pinagbawalan na rin ng pangulo ang kanyang mga cabinet officials na gumamit ng special plate at mamahaling sasakyan gaya ng mga Mercedez Benz at sa halip dapat na lamang gumamit ng mumurahing sasakyan gaya ng Kia o Vios.