Nagpatupad ng temporary closure sa Tacloban Airport dahil sa isang eroplano ng Air Asia na tumirik makaraang masiraan ng gulong.
Sa inilabas na Notice to Airmen (NOTAM) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), binanggit na “disabled aircraft” sa runway 18/36 ang dahilan ng pagsasara ng paliparan.
Base sa ulat, galing Maynila ang eroplano ng Air Asia at nakalapag na sa paliparan nang tumigil ito at na-stuck ang gulong.
Nangyari ang insidente alas 7:43 ng umaga ng Biyernes, Oct. 20.
Alas 11:00 ng umaga nang muling buksan ang paliparan.
MOST READ
LATEST STORIES