LOOK: Mga kanseladong biyahe ng eroplano dahil sa sama ng panahon

Kinansela na ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado na ang biyahe ng PAL Express na 2P 2084 Manila to Basco at 2P 2085 Basco to Manila.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan ngayon sa lalawigan ng Batanes dahil sa epekto ng Typhoon Paolo.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.

Ang iba pang mga pasahero na mayroong biyahe ngayong araw sa mga lugar na apektado ng bagyong Paolo ay pinayuhan din ng MIAA na mag-antabay sa mga susunod na abiso o di kaya ay tumawag muna sa airline company para malaman kung tuloy ang kanilang biyahe.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...