Not guilty plea ang inihain ni Espinosa sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 26.
Ayon kay Espinosa, hindi totoo ang mga inihaing kaso sa kaniya ng mga otoridad.
Wala umano siya sa bansa nang isagawa ang pagsalakay sa kanialng tahanan kung saan may mga nasabat na illegal na droga ang mga pulis.
Ayon kay Espinosa, trabaho talaga ng mga pulis ang magtanim ng ebidensya para lang ipakita na kunwari ay mayroon silang accomplishments.
Maliban sa kasong illegal drug trading, si Espinosa ay may kinakaharap ding hiwalay na kasong illegal possession of firearms and explosives sa sala ni Manila RTC Branch 20 Judge Marivic Balisi-Umali.
Kerwin Espinosa naghain ng not guilty plea sa kasong paglabag sa RA 9165 | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/c7INROnYPg
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) October 20, 2017