Oplan Greyhound, magkakasabay na isinagawa sa mga kulungan sa Valenzuela, Pasay at Marikina

Kuha ni Mark Makalalad

Nagsagawa ng Oplan Greyhound ang mga otoridad sa Valezuela, Marikina at Pasay City jails.

Ang Oplan Greyhound ay pinangunahan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at SWAT team.

Sa Valenzuela City jail, may mga nakuhang ipinagbabawal na mga gamit gaya ng mga blade, gunting, pang-ahit, mga utensils na gawa sa bakal, ballpen, rice cooker at iba pa.

Ang nasabing bilangguan ay mayroong siyam na dormitory para sa 1,410 na mga lalaking preso at 215 na mga babaeng preso. Nasa 500 na preso lang ang capacity nito.

Sa Pasay City Jail naman, pawang mga ipinagbabawal na gamit lang din gaya ng electric fan, pako, lapis, ballpen, pang-ahit, scarf at iba pa ang nasabat.

Labing anim na selda sa Pasay City jail ang pinasok at hinalughog ng mga otoridad at mayroon itong mahigit 1,000 mga preso.

Sa sabayang Oplan Greyhound, walang nakuhang illegal na droga ang mga otoridad mula Valenzuela, Pasay at Marikina City jails.


 

 

 

Read more...