Heavy rainfall warning itinaas sa mga lalawigan sa Visayas dahil sa bagyong Paolo

Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan sa Visayas dahil sa malakas at patuloy na buhos ng ulan hatid ng bagyong Paolo.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA, orange warning level ang umiiral sa Eastern Samar, Northern Samar, Samar at Biliran.

Nagbabala ang PAGASA sa mga residente sa apektadong mga lalawigan na posibleng sila ay makaranas ng pagbaha at landslides.

Pinayuhan din ang publiko na mag-antabay sa mga susunod pang abiso ng weather bureau ngayong araw.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...