US senator kinumpirma ang pakikipagpulong kay Trillanes sa isyu ng human rights at drug war sa Pilipinas

 

Twitter/@SenRubioPress

Kinumpirma ni US Republican Senator Marco Rubio ang naging pagpupulong nila ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Rubio, pinag-usapan nila ni Trillanes ang pagprotekta sa karapatang pantao sa kasagsagan ng problema sa iligal na droga na kinakaharap ngayon ng Pilipinas.

Sa kaniyang tweet kahapon, ibinunyag pa ni Rubio na maliban sa drug war, napag-usapan rin nila ang laban sa katiwalian, pati na ang pagpapabuti ng alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Samantala, nang malaman naman ito ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, umaasa siya na hindi nagbigay ng biased na impormasyon si Trillanes sa senador ng US.

Ayon kay Abella, sana ay tamang impormasyon ang naibigay nito kay Rubio na maaring makasama sa relasyon ng US at ng Pilipinas.

Wala naman aniyang alam ang Malacañang sa kung ginawa ito ni Trillanes para sabihan ang ilang mga sektor na kumbinsehin si US President Donald Trump na huwag nang bisitahin ang Pilipinas.

Read more...