12, 545 na housing units para sa Yolanda Victims, halos tapos na

 

Lubos ang pasasalamat ni Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez sa pamahalaan sa mabilis na aksyon nito sa pagtatayo ng mga pabahay para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda.

Sa isang liham kay Pangulong Duterte, ipinarating ng alkalde ang pasasalamat dahil sa 12, 545 na pabahay na binubuo para sa mga nakalaligtas na pamilya ay 10,734 na ang kasalukuyang inookupa.

Samantala, 1,811 na lamang ang kasalukuyan pang ginagawa.

Pinapurihan din ni Romualdez ang naging mahalagang papel ni Office of the Presidential Assistant for Visayas Michael Diño sa pagpapabilis ng rehabilitation efforts.

Anya, naging maging maganda ang pakikipagugnayan ni Diño sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at naging matagumpay sa pagputol ng red tape.

Nagpapasalamat din ang alkalde sa Department of Public Works and Highways sa pagbibigay ng water services sa relocation sites sa tulong ng Leyte Metropolitan Water District.

Matatandaan na ang lungsod ang pinakatinamaan ng tinuturing na pinakalamakas na bagyo sa kasaysayan na kumitil sa buhay ng marami at sumira sa mga ari-arian.

Read more...