Sa ilalim ng Department Order No. 184, ng Department of Labor and Employment (DOLE), kailangang mabigyan ng regular na 5-minute break ang isang manggagawa sa bawat dalawang oras na nakaupo ito sa kanyang trabaho.
Ayon sa Kagawaran, ito ay upang hindi malagay sa alanganin ang kalusugan ng mga manggagawa na malimit na nakaupo sa kanilang araw-araw na gawain.
Kasama sa mga maaring mabigyan ng ‘standing break’ ay ang mga empleyado na kalimitang gumagawa ng ‘clerical works’, BPO o call center companies at IT companies.
Ipatutupad ang kautusan sa unang linggo ng Nobyembre.
MOST READ
LATEST STORIES