Binuksan na ang mga bagong gawang conveyance system sa Light Rail Transit-2 (LRT-2).
Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade at LRT2 Administrator Reynaldo Berroya ang seremonya ng pagbubukas ng bagong conveyance system sa Recto station.
Kabilang sa magagamit na ng publiko ang 32 bagong mga elevator at 13 bagong mga escalator.
Ayon kay Berroya, makalipas ang labinglimang taon na paghihirap ng mga pasahero ng LRT-2, napalitan na rin sa wakas ng bago ang mga escalator at elevator.
Noong May 2017 nang simulan ang pagpapalit ng depektibong conveyance system sa LRT-2 at ang proyekto ay nagkakahalaga ng P138 million.
Noong panahon na iyon, wala ni-isa sa 32 elevators ng LRT-2 ang gumagana.
MOST READ
LATEST STORIES