Mga opisyal ng barangay sa Marawi pinulong ng militar para sa pagsisimula ng cleanup drive

Inquirer File Photo | Allan Nawal

Pinulong ng Philippine Army ang mga opisyal ng ilang piling barangay sa Marawi City.

Ito ay para sa pormal na pagsisimula ng cleanup drive bilang bahagi ng preparasyon sa pagbabalik ng mga residente sa kanilang mga tahanan.

Target ng tropa ng pamahalaan na sa October 25, makabalik na ang mga residente sa siyam na barangay sa Marawi.

Binilinan ng Philippine Army ang mga barangay official na tukuying mabuti at kilalanin ang mga lehitimo nilang constituent para matiyak ang kanilang seguridad.

Iisyuhan din ng identification cards ang mga residente na edad 15 pataas.

May mga sinanay na bagong miyembro ng Barangay Peace-Keeping Action Team na magsisilbing civilian security sa komunidad habang nagbabalikan ang mga residente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...