20 terorista, napatay ng militar sa magdamag na bakbakan sa Marawi

Aabot na sa 20 terrorista ang napatay ng militar sa magdamag na bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Maj. Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng AFP, sa nasabing bilang, 13 ang napatay Miyerkules ng gabi, kabilang na ang isang ‘foreign-looking’ na lalaki.

Pinaniniwalaang ang nasawing dayuhan ay si Malaysian terrorist Dr. Mahmud Ahmad, ang sinasabing financier at recruiter ng mga terorista sa Marawi.

Ayon kay Padilla, hindi pa kumpirmado kung si Mahmud ang napatay, pero may resemblance, o kamukha ito ng Malaysian terrorist.

Dagdag pa ni Padilla, 7 pa ang dagdag sa mga napatay ng mga sundalo hanggang Hubwenes ng umaga.

Anim naman ang nasugatan sa panig ng militar sa magdamag na bakbakan.

Ayon kay Padilla, hihintayin muna nila na makita ang bangkay ng ‘foreign national’ upang matiyak kung ito ay si Dr. Ahmad o hindi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...