WATCH: Simulation Crash and Rescue Exercise, isinagawa sa NAIA

Kuha ni Jomar Piquero

Naging malapit sa katotohanan ang isinagawang Crash and Rescue Exercise 2017 ng pamunuan ng Manila International Airport Authority sa Ninoy Aquino International Airport.

Bahagi ng isinagawang pagsasanay ang kunwari ay pag-crash ng isang eroplano na may sakay na 81 at pagsabog nito sa runway 13 matapos lumipad patungo sana sa Clark International Airport.

Unang rumesponde ang fire unit na agad binugahan ng chemical treated liquid ang nagliliyab pang eroplano.

Kasunod nila ang rescue team at medical teams gayundin ang mga sumaklolong tauhan ng coast guard na gumamit pa ng helicopter at bureau of fire.

Isa-isang ni-rescue ang mg pasahero na naiwan sa loob ng eroplano at maging ang mga tumilapon palabas.

Dumating na rin ang medical teams na agad umalalay sa mga nailigtas.

May mga fire at rescue teams din mula sa kalapit na lgus ang rumesponde.

Sinaksihan ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang exercise at sinabi niya na nakakapanatag ng loob dahil alam niya na may mga sapat na tauhan at kagamitan na magagamit sakaling magkaroon ng totoong plane crash sa NAIA.

Ang exercise ay bahagi ng requirement ng international civil aviation authority para sukatin ang kakayahan ng MIAA sa pagresponde sakaling magkaroon ng insidente o aksidente na kasasangkutan ng isang eroplano.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...