13 nalalabing Maute terrorists napatay na ng militar; Dr. Ahmad, pinaniniwalang kabilang sa napatay

BREAKING: Napatay na sa patuloy na operasyon sa Marawi City ang 13 nalalabing pro-ISIS Maute terrorists at kabilang sa pinaniniwalaang nasawi ang Malaysian high-profile terrorist na si Dr. Mahmud Ahmad.

Inanunsyo ang pagkasawi ng 13 terorista matapos ang pagpapatuloy ng pag-atake ng militar mula kahapon hanggang madaling araw ng Huwebes.

Si Ahmad ang sinasabing financier at recruiter ng grupo at pinaniniwalaang siya ang pumalit bilang lider matapos mapatay sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

 

 

 

 

 

 

Read more...