Bagyong Paolo at LPA sa Palawan patuloy na binabantayan ng PAGASA

Dalawang sama ng panahon ang nananatiling binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang Typhoon Paolo sa 895 km East ng Daet, Camarines Sur.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 145 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong North Northwest. Ayon sa PAGASA, ang extension ng bagyo ay maka-aapekto at maghahatid ng mga pag-ulan sa sa Visayas, Zamboanga Peninsula, ARMM, Bicol Region, nalalabing bahagi ng Mindanao, at mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque at Romblon.

Ang LPA naman na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa 185 kilometers West ng Puerto Princesa City at ito ay maghahatid ng pag-ulan sa Palawan.

Hindi rin inaalis ng PAGASA ang posibilidad na mabubuo bilang bagyo ang nasabing LPA.

Localized thunderstoms naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon.

 

 

 

 

 

 

Read more...