Ito’y dahil sa matinding pinsalang idinulot ng tangkang pagkubkob ng teoristang grupo at ang sumunod na pambobomba ng militar sa mga pinagkutaan ng mga ito.
Ayon kay ARMM Assemblyman Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng Lanao Del Sur Provincial Crisis Management Committee, mangangailangan munang magsagawa ng clean-up drive sa buong lungsod bago pa man maumpisahan ang anumang proyekto.
Pagkatapos nito, mangangailangang ibalik ang serbisyo ng gobyerno at iba pang pasilidad bago makabalik ang mga residente.
Mangangailangan ring manumbalik muna ang komersyo upang mabuhay muli ang ekonomiya ng lungsod.
Aayusin rin ang mga gusali tulad ng mga paaralan sa lungsod upang makabalik na rin sa normal ang buhay ng mga mag-aaral, ayon kay Adiong.