Pamilya at baby boy, prayoridad ni Kaye Abad

 

Bagama’t nami-miss niya na ang pag-arte, hindi isasakripisyo ni Kaye Abad ang pamilya at ipinagbubuntis na batang lalaki para rito.

Ito ang pahayag ng aktres sa harap ng mga mamamahayag sa isang party na inorganisa para sa promotion ng isang baby product.

Ayon kay Abad, nais niyang maging isang responsableng magulang at ayaw niyang hindi maalagaan ang anak dahil lamang sa taping.

Tatlong buwan na lang mula ngayon ay isisilang na ng aktres ang isang baby boy.

Masaya anya siya dahil natupad ang kanyang hiling na ang kanyang magiging unang anak ay isang lalaki.

Plano ni Abad na sa Cebu City na arugain ang kanyang baby kung saan siya ay nanirahan simula nang ikasal kay Paul Jake Castillo noong Mayo ng nakaraang taon.

Read more...