Pope Francis, nagdadalamhati sa pagpanaw ni Cardinal Vidal

 

File photo/AP

Nagpaabot na rin ng pakikiramay si Pope Francis sa pagpanaw ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal.

Sa isang liham na ipinadala ng Santo Papa kay Cebu Archbishop Jose Palma, ipinahayag nito na labis ang kanyang kalungkutang nararamdaman matapos ang pagpanaw ng cardinal.

Ipinahahatid niya anya ang pakikiramay sa Arsobispo, sa lahat ng kaparian, relihiyoso at mga mananampalataya sa buong arkidiyosesis ng Cebu.

Inalala ng Santo Papa ang mga naging adbokasiya ng Cardinal sa kalahalagahan ng dayalogo at pagpapalawig ng kapayapaan sa mga mamamayan ng Pilipinas.

Nangako ang Santo Papa ng panalangin para sa kaluluwa ng Cardinal.

Mananatili ang labi ng Cardinal sa Cebu Cathedral sa loob ng walong araw maliban sa Sabado, October 21 kung saan pansamantalang dadalhin ang kanyang mga labi sa St. Pedro Calungsod Shrine na nasa loob ng archbishop’s residence compound.

Ihihimlay ang kanyang mga labi sa isang mausoleum sa likod ng sacristy ng cathedral sa October 26, sa ganap na ika-9 ng umaga.

Read more...