6 na pulis-Olongapo, inireklamo ng rape ng detainee

 

Anim na pulis-Olongapo ang isinailalim sa restrictive custody matapos umanong ireklamo ng isang babaeng detainee na kanilang ginahasa umano may apat na buwan na ang nakalilipas.

Kabilang sa sinampahan ng kaso ng trenta anyos na detainee ang mga pulis na sina PO1 Raymond Diaz, PO3 Diosdado Alterado, PO3 Stevie Rivera, PO2 Nelson Abalos, PO1 Ed Mesias, at PO1 Gaylord Calara.

Ayon sa ulat ng Inquirer, naganap umano ang panggagahasa at sexual assault noong June 29, habang nakadetine ang ginang sa police station 5 ng Olongapo City police sa Bgy. Sta. Rita dahil sa kanilang may kinalaman sa droga.

Diumano, puinagtripan muna ng isa sa mga pulis ang biktima at pinagsayaw ito sa kanilang harapan.

Matapos ito, ginahasa na umano ng isa sa mga pulis ang complainant habang nanonood ang iba pang mga alagad ng batas.

Nagkaroon lamang umano ng lakas ng loob na magreklamo ang biktima laban sa mga pulis matapos itong ilipat na detention facility.

Mariin namang itinatanggi ng mga pulis ang akusasyon laban sa kanila.

 

Read more...