Kontrobersiyal na DSWD official inilipat sa PCOO

RTVM

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si DSWD Secretary Lorainne Badoy bilang bagong Presidential Communications Operations Office Undersecretary for New Media at Spokesperson.

Ito ang kinumpirma ni DSWD OIC Emmanuel Leyco sa Radyo Inquirer.

Bago naitalagang DSWD Assistant Secretary, naging kilala si Badoy bilang tagadepensa ng pangulo sa mga. kritiko sa social media.

Nasangkot na rin sa kontrobersiya si Badoy bilang DSWD Assistant Secretary matapos batikusin ang European Union dahil sa pakikialam sa Duterte administration.

Ayon kay Badoy, sa halip na makisali ang E.U sa destabilisasyon mas makabubuting mag-focus na lamang sila sa online child pornography.

Nilait din ni Badoy noon sina Vice President Leni Robredo matapos tawagin na biseng basurera dahil sa pagbili ng mga second hand na gamit para sa kanyang anak na nag- aaral sa Harvard University sa U.S at dating Social Welfare Sec. Dinky Soliman.

Gayunman sinabi ni PCOO Sec. Martin Andanar na wala pang inilalabas na appointment paper ang Malacañang.

Bukod kay Badoy, labingdalawang bagong appointee pa ang itinalaga ni Pangulong Duterte kabilang na si DepEd Asec. Tonisito Umali na napromote bilang undersecretary ng naturang kagawaran.

Read more...