Bumaba nang tatlong puntos ang net satisfaction rating ng Senado sa +46 ngunit nanatili pa rin itong indikasyon ng good satisfaction.
Mas nakararaming Pilipino sa 62% ang nasisiyahan sa Mataas na Kapulungan.
Hindi naman nagbago ang satisfaction ratings ng Kamara sa +34 net satisfaction rating kung ikukumpara noong Hunyo.
Katumbas ito ng 52% nasiyahan sa Mababang Kapulungan, habang 18% ang hindi nasiyahan sa performance nito.
Bagaman nananatili sa “good” satisfaction, bumaba nang pitong puntos ang net satisfaction ng Korte Suprema sa +31.
Ang naturang survey ay isinagawa mula September 23 hanggang 27 sa 1,500 respondents sa iba’t ibang panig ng bansa.