Kabaitan ng mga Pinoy, dahilan kaya dito napili ni Steven Seagal na i-shoot ang kanyang TV series

Presidential Photo

Nasa bansa pa rin ang Hollywood action star na si Steven Seagal para sa shooting ng kanyang bagong TV series na “General Commander”.

Kabilang ang Pilipinas sa mga napagpiliang shooting location ng nasabing TV series.

Ayon kay Seagal, napili nila ang Manila bilang isa sa shooting location dahil mababait ang mga Filipino, at maayos ang naging pag-trato sa kanyang team.

Bukod dito, sinabi din ni Seagal na gusto nila ng isang lugar na kakaiba at exotic na pag napanood aniya ng mga Amerikano ay maninibago sila.

Ang Pilipinas aniya ay magandang “double” ng iba pang Asian countries, kung saan maaari isipin ng mga makakapanood na ang location ng pelikula ay sa Vietnam o Thailand, o sa Burma.

Inilarawan ni Seagal ang Manila bilang “very good” location para sa kanyang TV series.

Sinabi din ng Hollywood action star na dahil sa mga Pinoy kung kaya tinawag ang Pilipinas na “The Pearl of Asia”.

 

 

 

 

 

 

Read more...