Huling namataan ang Typhoon Paolo sa 735 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ag lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 145 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras.
Ang malawak na rainbands nito ay makapaghahatid pa rin ng katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas at CARAGA. At light hanggang moderate na pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Southern Luzon, Visayas at sa Mindanao.
Ang mga residente sa nabanggit na mga lugar ay inalerto sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods at landslides.
Ayon sa PAGASA, sa pagitan ng Linggo ng gabi hanggang Lunes ng umaga ang inaasahang paglabas sa bansa ng bagyo.
Samantala, ang Low Pressure Area naman ay huling namataan sa 280 kilometers West ng Puerto Princesa City, Palawan.