3 na ang patay, 1 nawawala sa matinding pagbaha sa Zamboanga City

PHOTO: Zamboanga City Police

Bagaman idineklara ng Malakanyang na balik na ang klase ng mga mag-aaral ngayong araw, nananatiling suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Zamboanga City.

Ito ay makaraang makaranas ng matinding pagbaha ang lungsod bunsod ng storm surge na dulot ng pag-ulan mula sa umiiral na ITCZ nitong nakalipas na mga araw.

Sa datos ng City Disaster Office, nasa 2,448 na pamilya na ang naapektuhan ng pagbaha o nasa 12,240 na mga indibidwal.

Sa Facebook page ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco, tatlo ang naitalang nasawi habang isa pa ang nawawala.

Labing dalawang barangay sa lungsod ang naapektuhan ng storm surge at flashflood kabilang ang mga sumusunod:

Ang mga apektadong pamilya ay nasa mga evacuation center at temporary shelters.

Tintulungan na sila ng lokal na pamahalaan at ng City Social Welfare Development Office (CSWDO).

Samantala, sa report ng Office of the City Agriculturist, nasa 1,168 ektarya ng pananim ang naapektuhan ng pagbaha o nasa P10.731 milyon na halaga ng pananim.

Habang sa fisheries naman, tinatayang nasa P42.27 milyon ang halaga ng napinsala.

 

 

 

 

Read more...