Pumanaw na sa edad na 86 si dating Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal.
Si Cardinal Vidal ay pumanaw habang naka-confine sa ICU ng Perpetual Succour Hospital alas 7:28 ng umaga.
Si Dr. Rene Josef Bullecer, isa sa mga duktor ng kardinal ang nagkumpirma sa pagpanaw ng mataas na opisyal ng Simbahang Katolika.
Napasugod sa ospital si Cebu Archbishop Jose Palma at mga pari ng Archdiocese ng Cebu para ibigay ang kanilang huling respeto kay Vidal.
Ayon kay Msgr. Joseph Tan, tagapagsalita ng Cebu Archdiocese, hinihiling nila ang panalangin para sa namayapang kardinal.
Maglalabas din aniya sila ng detalye hinggil sa burol sa schedule at venue ng burol ni Cardinal Vidal.
Noong October 11, isinugod sa ospital si Cardinal Vidal, matapos ma-comatose.
Taong 2014 pa nang ma-diagnose sa pneumonia si Cardinal Vidal.
Si Caridnal Viday ay naging arsobispo ng Cebu sa loob ng 29 na taon bago magretiro taong 2011.
Bago ang pagpanaw, siya ang itinuturing na most senior cardinal sa Pilipinas.