Baron Geisler bigong makapagpyansa; standing warrant dahil sa paninigarilyo, naungkat

 

Matapos manggulo at magwala kagabi sa loob ng isang restobar sa Tomas Morato, ay kasalukuyan pa ring nakakulong sa Quezon City Police Station 10 ang aktor na si Baron Geisler.

Sumailalim na si Baron sa inquest proceedings sa ilalim ni Quezon City Assist Prosecutor Marizen Grutas. Ayon sa resolusyong inilabas, may sapat na batayan para kasuhan ang aktor ng unjust vixation at alarm and scandal.

Pawang bailable ang dalawang kaso sa halagang dalawang libong piso kada kaso.

Bagaman bailable ang mga ito ay hindi pa rin nakapagpyansa si Baron dahil napag-alaman na may standing warrant of arrest pa rin si Baron sa Lapu-Lapu City sa Cebu dahil sa paninigarilyo nito sa loob ng eroplano nitong July 1, 2017.

Sa kabuuan, sampung libong piso ang kailangang bayaran ng kampo ni Baron para makalaya.

Read more...