Wanted na Koreano arestado sa Pampanga

Inquirer file photo

Arestado ang isang Korean national sa isinagawang operasyon ng fugitive search unit ng Bureau of Immigration sa Angeles City, Pampanga.

Kinilala ng mga otoridad ang nahuling pugante na si Noh Jun Ho, 45-anyos.

Naging katuwang ng F-S-U agents sa operasyon si Chief Inspector Choi Koya, ang Liaison Officer ng Korean National Police Agency at Embassy of the Republic of Korea sa bahagi ng Barangay Cuayan sa Angeles City.

ang suspek ay inareston alinsunod sa inilabas na Memorandum Order No. JHM-2017-199 na inisyu noong October 13, 2017.

Ayon sa Bureau of Immigration, batay sa impormasyon mula kay Lee Soo Bok na siyang Consul at Police Attaché ng Korean Embassy, isang undocumented alien si Ho kung saan mapanganib sa seguridad ng publiko at may kaso ng pagtutulak ng bawal na gamot sa South Korea.

Ipinaliwanag rin ng mga operatiba ng Bureau of Immigration na sinuspinde na rin ng Korean authorities ang passport na gamit ng suspek.

Read more...