Pondo ng PDEA dapat dagdagan ayon kay Atienza

Pinadadagdagan ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang budget Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa susunod na taon kasunod ng paglilipat dito ng tungkulin para pangunahan ang war on drugs campaign ng administrasyon.

Ayon kay Atienza, napakaliit ng budget ng PDEA na nasa P2.59 Billion sa 2018.

Dahil dito ayon sa mambabatas dapat na ibigay sa PDEA ang inalis na P900 Million na Oplan Tokhang fund ng PNP dahil ito naman na ang binigyang mandato para sa anti-illegal drugs campaign.

Para magampanan ng PDEA ang kanilang trabaho mangangailangan ang PDEA ng P15 Billion ayon sa mambabatas.

Ito aniya ay gagamitin para sa pagkuha ng mga dagdag na tauhan at mga kagamitang kakailanganin para magawa ang dagdag na trabaho na ibinigay sa kanila ng pangulo.

Kailangan din anya na suportahan ng pondo ang PDEA dahil kung hindi ay tiyak na hindi rin magtatagumpay ang ahensya sa kanilang misyon at tiyak na balik nanaman sa PNP ang trabaho sa paglaban sa iligal na droga.

Read more...