PM Shinzo Abe, binisita ang mga nasalantang lugar sa Japan

shinzo-abe
Inquirer file photo

Matapos ang matinding pagbaha na rumagasa sa hilagang bahagi ng Tokyo lalo na sa lungsod ng Joso, sakay ng helicopter ay tinignan ni Japan Prime Minister Shinzo Abe ang malaking pinsalang naidulot ng Typhoon Etau sa nasabing lugar kaninang umaga.

Pagkatapos nito ay bumisita si Abe sa isang shelter kung saan pansamantalang naninirahan ang mga inilikas na mga residenteng apektado ng bagyo.

Ani Abe, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para maisaayos agad ang river bank na bumigay at nag-sanhi ng mas malalang pagbaha sa lugar, upang hindi na maulit ang ganitong klase ng disaster.

Kasabay ng pagbabalik ng maaliwalas na panahon ay ang pagbabalik na rin sa normal ng lebel ng tubig sa ilog, ngunit sa kabila nito, ayon sa isang lokal na opisyal, marami pa ring mga lugar ang lubog sa baha.

Bagaman bumaba na sa 15 mula sa 22 ang bilang ng mga nawawala sa Josa, patuloy pa rin ang pagsasagawa nila ng rescue operations lalo na sa mga gusaling may mga tao pa ring trapped sa loob, pero inamin din ng nasabing opisyal na nahihirapan din sila dahil baha pa rin sa ibang lugar.

Samantala, nasa 2,000 na pinagsamang mga kapulisan at bumbero ang ipinakalat para maisalba ang higit pa sa 100 katao na trapped sa mga binahang gusali.

Read more...