Kinumpirma ni Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte na labinglimang mga Pinoy sa Japan ang iniligtas ng mga tauhan ng Philippine Embassy dahil sa matinding pagbaha na nararanasan sa nasabing bansa.
Sinabi ni Valte na pinangunahan ni Philippine Ambassador to Japan Manuel Lopez ang pagsasagawa ng plano hanggang sa mailikas ang hindi pa pinapangalanang mga Pinoy sa Joso District malapit sa Tokyo.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng embahada ang nasabing mga Pinoy na sinasabing ilang raw ding nabasa ng baha at pag-ulan makaraang umabot sa halos ay sampung talampakan ang taas ng tubig sa kanilang mga lugar.
Sa record ng Fire and Disaster Management Agency ng Japanese government, tatlo na ang kumpirmadong patay, dalawampu’t tatlo ang nawawala at halos ay tatlong milyon ang kasalukuyang naninirahan sa mga temporary housing.
Bukod sa Joso District apektado rin ng tuloy-tuloy na pag-ulan ang halos ay sampung Prefecture o Rehiyon sa Japan. Hanggang sa ngayon ay ramdam pa rin ang epekto ng Bagyong Etau sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa Meteorological Service Department ng Japan, ito ang pinakamalakas na bagyo na naranasan ng bansa sa nakalipas na maraming taon at isinisisi nila ito sa Global Warming.