Toy gun, mahigpit na ipinagbabawal bilang Christmas gift sa San Pablo City, Laguna

Ipinaalala sa mga residente ng San Pablo City sa Laguna na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibigay ng baril na laruan bilang regalo sa pasko.

Pinayuhan ni Sr. Insp. Julius Almeda, hepe ng San Pablo City police station investigation division, ang mga residente ng lungsod na iwasan ang pagreregalo sa mga bata ng toy gun sa darating na kapaskuhan.

Binalaan din ni Almeda ang mga traders at establisyimento na huwag magtitinda ng toy gun o replica ng kahit na anong uri ng baril.

Sa ilalim ng City Ordinance No. 2000-02, ipinagbabawal ang paggawa, pagbebenta, pamamahagi at pagdadala ng toy guns sa lungsod.

Ipinatupad ang nasabing ordinansa matapos madiskubre na ginagamit ng mga kawatan ang toy gun o replica ng mga baril sa pagsasagawa ng mga krimen tulad ng pagnanakaw, panghohold-up at sa hostage-taking.

Ipinag-uutos din sa ordinansa ang pagkumpiska ng mga pulis sa ipinagbabawal na laruan mula sa manufacturers, producers, sellers at traders.

 

 

 

 

 

Read more...