Nananatili sa karagatan ang bagyo at huling namataan sa 765 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometers bawat oras at pagbugsong 115 kilometers bawat oras.
Mabagal ang kilos nito na 7 kilometers bawat oras sa direksyong North northwest.
Ayon sa PAGASA sa susunod na 24 hanggang 36 na oras ay lalo pang lalakas ang bagyo at magiging Typhoon.
Bagaman walang direktang epekto sa bansa, ang outer rainbands nito ay maaring maghatid ng kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region, Visayas at Mindanao.
Samantala, ang Low Pressure Area (LPA) naman na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa 395 kilometers West ng Coron, Palawan.