US nagpa-abot ng pagbati sa Philippine military sa pagkakapatay kina Hapilon at Maute

Binati ng Estados Unidos ang Philippine military sa pagkakapatay sa dalawang ISIS-inspired leaders na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Sa statement ni US Embassy spokesperson Molly Koscina, nagpa-abot ito ng pagbati sa Armed Forces of the Philippines sa tagumpay nito sa bakbakan sa Marawi City.

Tiniyak din ni Koscina ang patuloy na pagsuporta at pakikipagtulungan sa Pilipinas para malabanan ang extremism at terorismo.

Partikular na tinukoy ni Koscina ang suporta sa counterterrorism efforts ng AFP sa Mindanao sa pamamagitan ng paglalaan ng intelligence, surveillance at reconnaissance capabilities at iba pang tulong teknikal.

Magugunitang katuwang ng AFP ang US Special Forces sa Marawi siege sa pamamagitan ng pagkakaloob ng technical assistance at enemy surveillance sa tropa ng pamahalaan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...